NANG mga sumunod na araw ay naging abala si Tiffany sa pag-a-asikaso sa anak. Madalas din silang pumasyal dahil gusto niyang bumawi kay Catie at ipadama rito na narito na siya, para sulitin nila ang dalawang taon nilang pagkakawalay sa isa't isa. "Mom, bakit po hindi na nagpupunta sa atin si Tito Arnie, e, nandito ka naman na po? I saw him sa kasal ni Daddy pero hindi ko po kayo nakitang nag-usap." Nagulat siya sa tanong na iyon ng anak habang kumakain sila sa mall. "H-ha? Kasi, anak, busy na ang Tito Arnie sa trabaho niya. Gano'n din naman ang Mommy dahil kadarating ko lang hindi ba?" sagot niya sa pagitan ng pagsubo. Mula sa paghigop ng pineapple juice ay nag-angat ng mata ang anak at tiningnan siya ng tingin na tila takang-taka. "Dati rin naman po busy kayo pareho ni Uncle Arnie pe