KINABUKASAN ay tinanghali siya ng gising. Marahil ay umuusok na ang ilong ni Mr. Vrent sa galit pero hindi pa rin siya nagigising dahil magdamag yata siyang dilat nang nagdaang gabi, mabuti na lang at ginising siya ng kapatid. "Joy, ang aga aga pa! Bakit naman nanggising ka na kaagad?" aburido niyang sabi habang itinakip pa ang unan niyang dantayan sa mukha niyang tinatapik tapik nito. "Ate, marami pa tayong gagawin. Dadating na anytime 'yung mga gagamitin mo. 'Yung make up artist mo anytime soon ay narito na rin dahil magpi-pictorial ka pa," ani Joy na hindi siya tinigilan hanggang hindi siya bumabangon. "Hay! Oo na!" "Mag-breakfast na tayo para makapag-ready na, ate." "Mabuti pa nga." EKSKATONG katatapos nilang kumain nang dumating ang mga may dala ng gagamitin ng bride. Bouquets