"NAGUSTUHAN mo ate?" ani Joy na nasa likuran niya. Siguro'y napansin nito ang pananahimik at pagka-mangha niya sa lugar na kinaroroonan. "Sobrang ganda, Joy. Itong-ito 'yung pangarap ko 'di ba? Tumira sa isang resthouse sa ituktok ng burol. Itong-ito 'yun, sis," aniyang hindi mapalis ang mga ngiti sa labi. Ang lugar kasing nakaukit lamang noon sa imahinasyon niya ay kitang-kita niya ngayon sa kanyang harapan. "What if mabigyan ka ng chance, ate? Titira ka ba dito?" "Of course. Pero mahirap pa rin magsalita ng tapos, e. Lalo na kung nakatali ka sa trabaho sa lungsod. Pero kung ganito naman kaganda ang titirhan ko, mukhang mahihirapan akong pumili," totoo sa sariling sabi niya. "Kanino nga pala itong resthouse?" tanong niya na muli itong hinarap. "Actually, hindi ko alam, sis, e. Pero