"SWEETHEART…" "Yes, babe, napatawag ka? May nakalimutan ka ba?" aniya kay Arnie sa kabilang linya. Tatlong oras pa lamang ang nakararaan buhat nang umalis ito sa bahay nila ngunit ngayon nga ay tumatawag na ito. "I'm sorry, sweetheart. I can't make it sa araw ng shooting sa Tagaytay. Hindi kita masasamahan, sweetheart," tila naluging sabi nito sa kabilang linya. "Ha? Bakit, babe? May biglaan bang problema sa office?" tanong niya dahil iyon lang naman ang pwedeng maging posibleng dahilan. "Sana nga ay gano'n na lang, sweetie. Pwedeng-pwede kong iwan kung tungkol lang sa opisina. But it's about, Mama." "What about, Mama, babe?" Bigla ang pag-aalala sa tinig niya nang marinig na tungkol sa Mama nito ang problema. "Sched na nang operation niya, sweetie. And 'di ba nasabi ko na rin sa