TIFFANY SA MANSYON ng mga Vasquez nga sila dumiretso at tama nga ang binata. Tuwang-tuwa ang Mama nito nang makita siyang muli. Kaagad ay sinalubong sila sa sala pa lamang at iginiya siya paupo sa sofa habang bumebeso sa kanya. Halatang nasorpresa ito dahil hindi naman nila sinabi na ngayon na sila uuwi at isasama siya ng kasintahan sa mansyon ng mga ito. "Hija, kumusta ang Cebu?" tanong ng Donya nang nakaupo na sila. "Great po, Mama. Nagkaroon naman kami ng pagkakataon na lumibot kahit paano nitong anak ninyo," nakangiti niyang sabi saka nilingon ang kasintahan. As usual ay nakikinig lamang ito sa kanila ng Mama nito habang nakangiti. "Mabuti naman kung ganoon. E, ang pagkikita ninyong muli ng anak ko, hija, kumusta? Sigurado ako na na-miss n'yo ng sobra ang isa't isa," sabi nitong