Maria's POV Nanghihina akong napaupo sa malamig na simento. Nanghihina ako sa nalaman ko. Parang unti-unting tinutusok ng maliliit na karayom ang dibdib ko sa sakit ng reyalidad. Bakit? Bakit sa akin nangyayari ang bagay na ito? Anong nagawa ko para ilagay Niya ako sa ganitong sitwasyon? Hilam 'man ang mga mata ko sa luha ay nakita ko pa rin kung paanong yakapin at halikan ni Mrs.Morales si Alas. Ang Daddy ko na mabilis lumapit rin sa mag-ina. Binitawan ng dalawang lalaki si Alas kaya't bumagsak ito sa mga bisig ni Mrs.Morales na ngayon ay umiiyak na at wala akong marinig sa kanya kundi puro patawad. Napahawak ako sa dibdib ko habang pinagmamasdan ang tagpong iyon. Masaya ba ako para sa lalaking mahal ko? Masaya ba ako ngayong nakita na niya ang tunay niyang mga magulang? Walang ampat