Maria's POV Suminghap ako ng hangin nang bitawan ako ni Alas. Kinontrol niya ang kanyang sarili dahil baka kung saan pa mapunta ang halik na inumpisahan ko. Hinawakan niya ang mukha ko at tinitigan akong mabuti. "Bakit ka umiiyak?" Umiling ako at ngumiti sa kanya. "Wala 'to. Namiss lang kita ng sobra," Napapikit ako nang halikan niya ang noo ko. "Nga pala, ako muna ang bababa para kausapin sila. Dito kana muna sa kwarto ko. Sandali lang ako." "Bakit? Sabay na tayong bumaba. Nandito na rin lang ako sa inyo ay ipakilala mo na ako sa mga magulang mo." Marahas kong kinagat ang ibabang labi ko para mapigilan ang pag-iyak. Hindi pa ito ang tamang oras para malaman niya ang tungkol sa pagkatao niya. May balak pa ako sa aming dalawa. "Please? Promise, mabilis lang ako. Babalikan kita agad r