Maria's POV Sa mga oras na ito ay hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Gusto ko nang maiyak habang palapit na kami sa bahay. Gusto ko nang itakbo si Alas sa lahat. Gusto ko na siyang itakas sa reyalidad pero alam kong masasaktan sila daddy. Naghahati ang kalooban ko sa tama at sa mali. Napalingon ako kay Alas nang maramdaman ko ang pagpisil niya sa palad ko. "May problema ba?" Kunot-noo niyang tanong na ikina-iling ko ng marahan bago sumagot. "W-wala," Pumiyok ako ng bahagya kaya't idinaan ko sa kunwaring pag-ubo. Ayokong mahalata niya na gusto nang umalpas ng mga luha ko. "Pagdating natin sa bahay ihanda mo sarili mo ha?" Biro ko sa kanya. "Bakit?" "Sy'mpre, haharapin mo na silang lahat mamaya. May utang ka pa nga sakin, e," Nag-iwas siya ng tingin kaya't hinampas ko ang braso niya