Maria's POV Sa gitna ng ulan ay napaupo ako habang humahagulgol ng iyak. Wala akong pakialam kung nakakaistorbo na ako sa mga sasakyang nakapaligid sakin. Ang gusto ko lang ay mailabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Paano nagawa sakin 'to ni Alas? Pinanghawakan ko yung pangako niya, e. Anong nangyari? Bakit nagkaganito? Kasi magkapatid kami? Alam ko naman 'yon, mali. Pero sana naman hindi niya ako binigla. Sana naman inunti-unti niya ako. Hindi ganito. Nagising akong mabigat ang pakiramdam hindi dahil sa emosyonal na nararamdaman ko kundi dahil inaapoy ako ng lagnat. Hinawakan ko ng mahigpit ang comforter na nakayakap sa buo kong katawan at mas itinago pa dito ang sarili ko. Matapos ang pag-iyak ko sa gitna ng kalsada ay wala na akong matandaan. Hindi ko na alam kung sino ang