Maria's POV Malakas ko siyang itinulak palayo sakin at mabilis na tumayo. Isang sampal ang pinadapo ko sa kan'yang kanang pisngi. "Pinaglalaruan mo ba ako, Alas?! Hindi ba't sinukuan mo ako agad?! Binitawan mo ng ganoon kabilis relasyon natin tapos pupunta ka dito at sasabihin 'yan sakin?! Anong akala mo sakin?! Walang damdamin?!" Sigaw ko sa kan'ya kasabay ng pagluha ko. "Magulo lang ang isip ko, Maria. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nasabi ko 'yon. Iniwan kita para mas makapag-isip ako ng maayos at kung ano ang susunod kong hakbang para sa ating dalawa. Nasasaktan din ako at nahihirapan sa sitwasyon natin," Sinabunutan niya ang sarili bago malungkot na tumingin sakin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at umalis sa harapan niya para buksan ang ilaw. Bumulaga sakin ang gusot niyang da