Maria's POV Mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko ang malawak na himpapawid at mga maliliit na bahay mula dito sa itaas. Kasama ko na si Roberta ngayon at papunta na kami sa Paris para doon ako magsimula. Ilang araw lang akong nanatili sa Pilipinas pero pakiramdam ko ay wasak na wasak ako. Sobrang sakit na lahat ay tinitiis ko nalang ngayon. Sobrang sakit na lahat ay iniiyak ko nalang para kahit papaano naman ay gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari sa relasyon namin ni Alas. Wala akong ideya na ganito kasakit. Parang gusto ko na nga lang hilingin na sana may babae nalang involved, kasi kapag ganoon kayang-kaya ko siyang ipaglaban. Ngunit sa sitwasyon namin ay napakalabo na. Siya na unang bumitaw. Siya na unang nag-wasak sa tiwala ko. Binuhos ko naman lahat pe