Maria's POV Sa pamilya na kinagisnan ko ay kailanman hindi ko naramdaman ang pagmamahal kaya pinangarap ko ang isang masayang pamilya. Ngayon na buntis na ako ay alam kong hindi na matutupad iyon. Dahil ang dinadala kong bata ay walang kagigisnan na ama. Walang asawa o tatay ang tatayo sa aming dalawa. Nakaharap ako sa tokador ko at nagsusuklay, kitang-kita ko ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko para sa sarili ko. Kaaawaan ko ba? Hindi ko alam. Pakiramdam ko ay talunan ako kaya ako bumagsak sa ganitong kalagayan. Ang isiping hindi kami buo na isang masayang pamilya ay napakabigat para sakin. Sobrang bigat na ang sakit tanggapin. Na minsan mapapatanong nalang ako, bakit ako? Bakit ako nalang lagi ang nasasaktan ng ganito? Sa sitwasyon ko ngayon ay alam