Maria's POV Maaga akong nagising kinabukasan dahil pa rin sa morning sickness ko. Ang hirap pala maging isang single mom. Nasa sinapupunan mo palang ang bata ay ramdam mo na ang pag-iisa mo dahil walang umaalalay kapag inaatake ka ng pagsusuka o pagkahilo. Walang nag-aalaga kundi ang sarili mo lang. Lumabas ako ng kwarto ko at bumaba sa kusina para maghanda ng almusal ko. Iniisip ko pa rin kung tutuloy akong umuwi o hindi. Kapag umuwi ako ay siguradong hindi na ako guguluhin ni mommy, pero kapag hindi ako umuwi ay siguradong may gagawin na naman siya na hindi kanais-nais. Napabuntong-hininga ako at tinext si Roberta na tuloy na tuloy na ang uwi ko kaya ipa-book na niya ako ng ticket. Magkasabay kaming uuwi at sa bahay niya ako tutuloy. Tiningnan ko ang tiyan ko na hindi pa ganoon kapan