Maria's POV Mabuti nalang ay nakayakap ako kay Morales kung hindi ay baka bumigay na ako sa kinatatayuan ko. Naghahanda palang ako sa pagkikita namin tapos ganito agad. Anong ginagawa niya dito? At paano niyang nalaman na nandito ako? Sa bilis ng pangyayari ay nawala sa pagkakayakap ko sakin si Leo at sumadsad ito sa simento. Sabay kaming napatili ni Roberta nang kubabawan ito ni Alas at pagsusuntukin sa mukha. Oh god! Sa taranta ko ay napatakbo ako papunta sa kanila at niyakap sa likuran si Alas para ilayo siya kay Leo. "Alas, tama na! Mapapatay mo siya!" Malakas kong sigaw sa kan'ya pero hindi siya nagpatinag. Itinulak niya ako palayo sa kanya kaya naalis ang pagkakayakap ko sa kan'ya. Bumagsak ako sa sahig. Agad naman akong dinaluhan ni Roberta at itinayo. "Alas, walangya ka! Baki