Jazmine’s POV Tahimik lang akong nakaupo sa sasakyan ni Zeke. Hindi ko na matandaan ang lugar kung nasaan man kami ngayon lalo pa at tuluyan na itong nagbago apat na taon na rin ang nakalipas. Naglalakihang bahay na ang nakatirik sa kung saan mang sulok ako lilingon. Malaki na rin ang daan kaya wala na akong ideya pa kung saan pa kami patungo ni Zeke ngayon. Ang dating alam kong kagubatan lang ay pinupugaran na ng malalaking bahay. Marami na rin ang taong naninirahan dito kumpara sa dating alam ko. “Sa-saan tayo pupunta, Zeke?” utal na tanong ko kay Zeke lalo pa at hindi ko alam kung saang lugar kami patungo ngayon. Ni kunti ay wala talaga akong ideya pa sa lugar na pupuntahan namin. Hindi ko alam kung anong importanteng lugar ang tinutukoy niya sa akin ngayon. “An important p