Jazmine’s POV ALAS 9 na nang umalis kami ng bahay. Medyo naging matagal ang paghahanda namin ni Zeke sap ag-alis dahil sa kakulitan nito sa akin na kung ano ano na lang ang ginagawa sa kwarto habang nagbibihis na kami. Sabik na rin ako. Sabik na akong makitang muli ang lugar kung saan kami lumaki. Angf lugar kung saan una naming nabuo ang relasyon namin ni Zeke, sa bukid. Sa bukid nagsisimula ang lahat. Doon namin unang binuo ang anumang mayroon kami ngayon ni Zeke. Mahigit apat na taon na rin kaming namamalagi sa siyudad na ito madalang lang kaming nakakabisita doon sa sobrang busy sda trabahoi. Saka matagal na rin mula noong huli kaming pumunta doon, two years ago pa yata kaya hindi namin maiwasang mamiss nang husto ang lugar, lugar na siyang mananatiling espesyal sa aming dalawa