Jazmine’s POV “Good morning, baby,” nagising ako nang maramdaman ko ang halik ni Zeke sa aking leeg. Ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga ni Zeke mula sa aking leeg nga ngayon ay dahan-dahang bumabalot ngayon sa aking leeg dahilan para makiliti ako nang husto. “Zeke, masyado pang maaga para gumising,” I whispered. Mariin kong iginiit pa nang husto ang aking mukha sa sa unan na nasa aking harapan ngayon. Hindi man nakadilat ang mga mata ko pero alam kong nasa harapan ko ngayon si Zeke at kinukulit na naman ako. “Baby, day off natin ngayon. Don’t you want our day off a bit productive?” bulong nito sa akin kasabay nang paunti-unti kong pagramdam sa kamay nitong nasa aking balakang na ngayon. “Zeke…” I murmured, wala pang ganang bumangon mula sa kinahihigaan ko ngayon.