Jillian’s POV “Ma’am, pinapatawag ka na daw po ni Mr. Chua.” Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses ng isang staff doon. She’s waiting for my response. “I’ll be there in a few minutes.” Tipid na sagot ko at kaagad rin akong bumaling sa aking mesa saka muling tumingin sa aking laptop. Kanina pa ako nakatingin dito. Checking my presentation to assure it’s perfect. Hindi ako pwedeng magkamali lalo pa at kailangan kong ma-impress si Mr. Chua. Kailangan kong ipakita sa kanya na karapat dapat ako sa ibinigay niyang trabaho sa akin. I’m checking my presentation to assure that there’s no error or miss concept in it. Ilang araw ko na rin itong chinicheck para masigurong hindi ako nagkakamali ni kunti sa paggawa ko dito. Ilang segundo pa ang lumipas at mabilis ko ring isina