Jazmine’s POV
[Taong 2005]
“Nay! Ano po ba ang ulam natin?” tanong ko nang makauwi ako sa bahay. Walang trabaho ngayon si nanay sa hacienda kaya nasa bahay siya ngayon. Kakagaling ko rin sa eskwela at sa halip na sa hacienda ako uuwi ay sa bahay na muna gayong nandito naman si nanay at wala doon. Hindi ko lang maiwasang isipin si Zeke. Kung ano ang ginagawa niya sa mga oras na ito lalo pa at nakasanayan na naming maglaro sa mga oras na ito. Alam kong mababagot na naman siya lalo pa at wala ako roon. Siya lang at wala siyang kalaro sa hacienda kaya alam kong pahirap sa kanya kung iiwanan ko siya.
“May tuyo nak saka sadinas,” si nanay nang tuluyan na akong nakapasok sa bahay. Hindi na ako nagulat pa sa mga ulam na hininda ni nanay sa hapon ito. Ito na rin naman ang ulam na nakasanayan ko.
Dumiretso na lang ako sa sofa saka doon inilagay ang aking bag. Pagkatapos ay pinuntahan ko si nanay na ngayon nay hinahain pa ang mainit na kanin sa mesa. Kinuha ko ang kamay nito saka nagmano na siyang nakasanayan ko nang gawin bawat pag-uwi ko mula sa paaralan; sa bahay man o sa hacienda.
“Sorry anak at ito lang ang nakayanan ng nanay. May utang pa kasi tayong binabayaran kay aling belen. Hindi sapat ang sahod ni nanay sa hacienda para ipagbli ka ng mamahalin na pagkain,” wika ni nanay nang matapos akong magmano sa mga kamay niya.
Hindi kaagad ako kumibo sa halip ay nanatili lang akong nakatayo sa kanyang harapan at nakatingin sa kanyang mga mata. Napakunot ito ng noo lalo pa nang mapansin akong seryosong nakatingin sa kanya.
“Ba-bakit? Ayaw mo ba sa pagkain na hinanda ko?” malamyos ang boses na binitawan ni inay.
“Okay lang po nay. Saka nasanay na naman po ako niyan. Ang sarap kaya ng sardinas saka tuyo! Basta ang nanay ko lang ang kasama kong kumain, lahat masarap nay!” todo ang enerhiyang pinakawalan ko para lang maibalik ko ang mood ni nanay.
Minsan nga gusto ko na talagang tumulong kay nanay sa bahay. Gusto ko na siyang tulungan at sa ganoon ay magkaroon naman kami ng maginhawang buhay kahit papaano. Pero paano? Lalo pa at nag-aaral pa ako. Sampung taon pa lang ako pero alam ko na ang paghihirapan ni nanay. Ramdam na ramdam ko na iyon; ang mga pagsasaripisyo niya para sa akin. Para mabigyan lang ako ng maganda at maginhawang buhay. Alam kong mahirap para kay inay ang maging katulong sa hacienda pero kinakaya niya ang pagod at paghihirap doon para lang sa akin.
“Kaya ikaw, mag-aral ka ng mabuti, ah? Para kailanman ay hindi mo na mararanasan ang mga ganitong ulam sa darating na panahon…” si nanay sa gitna ng aming kainan.
Ngumiti ako saka binigyan ng malapad na ngiti si nanay. Ngiti para ipaalam sa kanya na gagawin ko talaga ang mga nais niya. Na maging mabuti akong anak para sa kanya.
“Oo naman po nay. Saka kung darating ang araw na makapagtapos ako, ikaw po ang unang taong dadalhin ko sa magagadaaaang lugar. Saka ililibre po kita ng masasarap ng pagakain sa Jollibee,” wika ko habang sinusubo ang pagkain sa hapag. Hindi pa rin nawala sa mga labi ko ang malalapad na ngiti.
Minsan iniisip ko na lang na kahit papaano ay mayroon ako sa mga bagay karamihan ay nahihirpang makamit. Mga bagay na karamihan ay gustong makamit; ang mabait at maarugang nanay, sagana sa pagmamahal at malinis ang buhay. Minsan hindi ko maiwasang isipin na mas okay na itong ganito. Iyong wala kang taong nasasaktan. Na mas mabuti na lang na ganito ang buhay na mayroon kami ngayon kesa naman sa magkaroon kami ng yaman, yaman na siyang magbabago sa pananaw mo sa buhay. Yaman na alam mong magpapabago sa isang tao.
Nagagawa ng lahat ng mga yaman na iyon; ang manipulahin ang iyong pagkatao at ang mas masaklap pa roon ay kailnman hindi ka magiging kontento sa kung ano man ang mayroon ka ngayon. Iyong pipilitin mong makamit ang mga bagay na alam mo namang kailanman ay hindi mo pwede at hindi mo kayang abutin.
“Ang bait mo talaga anak. Oo, siya tapusin mo na ang mga kinakain mo at nang makapagpahinga na at gagawa ng mga assignments,” wika ni nanay. Hindi naman siya kumakain pero mas pinili niyang umupo sa harapan ko para pagmasdan akong kumakain. Mas pinili niyang ilaan ang oras para sa akin. Oo, ganyan ako ka-swerte sa naging ina ko.
Kunabukasan ay maaga akong nagising. Nasanay na rin si nanay na hindi ako gigisingin tuwing umaga lalo pa at ako na mismo ang kusang magising. Bukod sa excited akong pumunta sa paaralan ay nasanay na rin ako sa tig-alas sais na magising tuwing umaga. Kaya kailanman ay hindi ako nalate sa pagpunta sa paaralan.
“Nay! Alis na po ako!” wika ko. Nagmano ako kay nanay saka hinalikan ang kanyang pisnge.
“Mag-ingat ka at papasok na rin ako sa trabaho,” wika ni nanay. Akmang hahakbang na sana ako papalayo sa kanya nang magsalita siyang muli dahilan para mapahinto rin akong muli. “Oo nga pala, sa hacienda ka na uuwi mamaya, ah. Alam kong namiss ka n ani Zeke!” wika ni nanay at kasabay non ay ang paglitaw ng malawak na mga ngito sa kanyang mga labi.
“Oo po!” wika ko saka na nagpatuloy sa paglalakad hannggang sa tuluyan na akong nakalayo sa bahay.
Palagi akong kinukulit ni nanay tungkol kay Zeke. Diez anyos pa lang ako pero hindi ko alam kung bakit binibigyan na ni mama ng malisya ang mga ganoong bagay. O, sadynag gusto lang ba niya akong asarin.
Tulad ng inasahan ko ay wala pang katao-tao ang paaralan. Hindi ko pa man tanaw ang buong groud pero alam kong wala pa rin masyadong nagliliapana doon.
Sa sobra kong aga na gumising ay ni isang beses ay hindi pa ako na-late sa klase. Ilang minuto Na nga lang ang nakalipas bago ang oras ng pasukan ay kinakabahan na ako. Ewan kung bakit dedicated ako masyado sap ag-aaral. Siguro dahil alam kong ito lang ang tanging bagay na maibibigay ni nanay sa akin.
Dumiretso ako sa room naming. Hindi na ako umaasa pang madatnan ko roon si Zeke lalo pa at masyado pang maaga para makarating siya rito. Siguro hindi pa nga iyong nagising sa mga oras na ito. Sa bagay ay may service naman siya kaya mabilis lang iyon makakapunta sa paaralan.
Ako pa lang ang estudayante sa classroom. Ako pa lang at wala pa ni isang dumating. Nasanay na rin ako sa ganito. Buong buhay ko ay si Zeke lang ang tanging taong naging kalaro ko sa mahabang panahon at sobra akong nagpapasalamat sa kanya dahill doon. Ni isang beses ay hindi niya ako iniwanan at nanatili pa rin siya sa hacienda.
Breaktime nang lumabas ako ng room. Sa kabilang section si Zeke kaya kailangan ko pa siyang hintayin sa canteen. Nasanay na rin akong kasama si Zeke tuwing breaktime. Mas mabuti sanang classmate kami kaso nasa kabilang section kasi siya kung saan ang section habang ako ay nasa section C. Hindi na ako nangangarap pang makapunta roon lalo na at alam kong kailanman ay hindi ko mapapantayan ang katalinuhan ni Zeke.
Akmang bababa na sana ako sa hagdanan nang mapahinto ako nang makita ang apat na lalaking nakasandal ngayon sa pader. Naphinto ako sa pagalalakad lalo pa at sa akin nakatuon ang atensyon nila. Sinubukan ko silang balewalain pero hindi ko magawa lalo pa at nakakaagaw pansin ang mga matutulis nilang tingin na halatang may balak silang masama sa akin.
Napalingon ako. Nasa hallway pa ako ngayon. Nang makitang walang katao-tao ang hallway ay hindi ko maiwasang mapalunok ng sarili kong laway. Lalo pa at wala naman akong pwedeng mapaghingan ng tulong kung sakaling may gagawin silang masama.
Ang apat na ito ang kilalang siga sa paaralang ito. Takot at iniiwasan ng karamihan pero hindi ko alam kung bakit nandito sila sa harapan ko gayong wala naman silang mapapala sa akin.
“A-ano ba ang gusto ninyo?” nanginginig ang boses ko habang sinasambit ko ang mga katatagang iyon. Sa sobrang takot ay hindi ko na nga malinaw na mabigkas ang mga katatagang iyon.
Ilang beses nang nakagawa ng kasalanan ang mga ito sa paaralan at hindi ko alam kung bakit hindi man lang sila pinaalis rito at sa ganoon ay wala na silang ibang taong mapurwesyo sa paaralang ito. Masyado na silang maraming nagawang kalokohan para paulit-ulit na patawarin.
“Akin na ang baon mo. Kung hindi, masasaktan ka…” wika nito habang nilalahad ang kamay nito sa aking harapan.
Napalunok muli ako ng sarili kong laway. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pati tuhod ko ay nanginginig na rin sa sobrang takot. Gusto kong sumigaw at sa ganoon ay matulungan ako nang kung sino man ang taong narito sa mga room sa hallway na ito pero hindi ko magawa. Lalo pa sa mga pagbabanta nilang sasaktan nila ako.
“Wa-wala naman akong baon na pero, eh!” wika ko pa.
Mas lalo lang akong natakot nang makitang mas lalo lang silang nagalit sa sinasabi kong iyon. Napalunok muli ako ng sarili kong laway. Paano ko sila lalabanan?
“Hindi totoo! Wala namang estudyante na walang baon! Akin na kung ayaw mong masaktan,” wika pa ng isa sa apat na lalaking nasa harapan ko ngayon.
Sinubukan kong umilag sa kanila pero nang gawin ko iyon ay mabilis nilang hinawakan ang bag ko at saka iyon hinablot sa akin. Mabilis ang pagyayari hanggang sa namalayan ko na lang na nasa sahig na pala ako nakahandsay habang ang bag ko ay nasa kanila.
Hindi nagtagal ay binuhos nila ang lahat ng laman ng bag ko at kabilang na roon ang mga kagamitan ko sa paaralan; libro, lapis, papel at iba pa. Pati ang kanin ko na para sana sa pananghalian ay nasa sahig na at nakakalat. Napatingin ako sa sinaing na hinog na saging sa sahig.
“Wala ka naman palang silbi!” sigaw nito sa akin saka tinadyakan ang mga gamit ko na ngayon ay mas lalo lang kumalat sa sahig.
Sinaing na saging- yan lang naman ang baon. Gusto ko mang magkaroon ng pera pero hindi na ako naghangad pang magkaroon pa ako noon lalo pa at hindi sapat ang sahod ni mama sa hacienda. Kailangan kong magtiis at tanggapin na ganito na talaga ang buhay ko, ang buhay na mayroon ako. Pero pagbbubutihin ko ang pag-aaral at sa ganoon ay magawa kong iahon sa kahirapan si nanay at makamit ko ang mga pangarap kong hindi ko mararating sa edad at katayuan na mayroon ako ngayon.
“Hali ka nga!” hinawakan ng isang lalaki ang balikat ko para sana patayuin ako. Hindi ko alam kung alin sa apat na iyon ang may gawa sa akin gayong nakapikit na ako dahil sa takot. Hindi ko na rin maiwasang pumatak ang mga likido mula sa aking mga mata.
“Ano ba! Wala naman akong kasalanan sa inyo!” sigaw ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para lang iwasan na nila ako. Mabilis rin ang pagkakahawak nila sa aking balikat kaya medyo masakit iyon nang hilahin nila ako para makatayo.
“Get off from her.”
Napatigil ang apat na lalaking nasa harapan ko ngayon. Alam kong kilala ko ang boses na ito at walang ibang pumapasok sa isipan ko kung hindi siya lang.
“Sino ka ba para pag-utusan kami?” maangas na wika ng isa sa apat na lalaking sa aking harapan. Ang isa sa kanila ay nakahawak pa rin sa aking balikat.
“Get off from her or I will call the principal?” kalmado ang boses niya. Sa boses pa lang niya ay malalaman mo na na wala talaga siyang kinatatakutan ni kunti sa apat na siga na ito.
Hindi na nagsalita ang apat na siga sa harapan ko ngayon na alam kong takot na takot na mga binitawang salita ni Zeke. Halata naman kasi sa mukha nito na wala itong takot na makipag-ariglo sa apat na sigang ito.
Ilang minuto bago nag-sialisan ang apat na siga sa hallway. Hindi ko na namalayang nasa tabi ko na pala si Zeke at marahang pinupulot ang mga gamit ko na ngayon ay nakakalat na sa sahig.
Hindi na ako nagulat pa. Ilang beses na na rin niya akong naipagtanggol mula sa mga bully sa paaralan at sa bawat ginagawa niya ang mga bagay na iyon sa akin ay mas lalo lang akong napalapit sa kanya.