[TAONG 2005]
Jazmine's POV
"Zeke! Zeke! Ang bola!" Sumigaw ako sa abot ng aking makakaya habang pinagmasdan ang bolang ngayon ay gumulong-gulong sa bangin.
Nabitawan ko ang bola kaya sobra ang takot na nararamdman ko. Lalo na't sa kay Zeke ang bolang 'yon at hiniram ko lang.
"Hayaan mo na, Jazz! Bola lang naman 'yan. Tara? Lipat tayo sa puno? Akyat tayo doon?" si Azequil na kaagad namang hinawakan ang kamay ko't hinila ako papunta sa punong mangga. Kaagad akong kumalas sa kanyang mga kamay. Napaharap sa Zeke sa akin at tiningnan akong may namumuong ngiti sa labi.
"Bakit? Ayaw mo? Maaga pa naman, ah? Laro pa tayo!" makulit na wika niya saka sinubukang kunin muli ang aking kamay pero iniwas ko 'yon sa kanya.
Kabilin-bilinan ng mama ni Zeke sa mama ko na huwag raw kami payagang lumabas sa Hacienda pero matigas ang ulo nitong si Zeke. Tumakas na nga lang kami mula kay Mama at heto siya ngayon, aakyat ng puno na alam kong delikado.
"Huwag, Zeke! Baka magalit ang mama mo! Saka baka mahulog ka... Sige ka, mapuputol ang paa mo... " napagkabit balikat ako at sinubukan siyang takutin.
"Sus. Di ako takot kay mama! Ikaw takot ka sa nanay mo?" hinarap niya ako't binigyan pa ng mayayabang na awra.
Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya. Makulit talaga itong si Zeke. Palagi tuloy akong napalagalitan kay mama nang dahilan sa kanya.
"Mama mo 'yon. Dapat matakot ka. Siya ang bumubuhay sa'yo noong bata ka pa. Sa kanya ka galing kaya dapat matakot ka sa kanya. Sige ka... Isusumbong kita sa Mana mo, " pananakot ko pa nito. Pero sa emosyon niya'y parang hindi ko naman siya natakot.
Matigas ang ulo nitong si Zeke. Hindi ko man gustong sawayin si mama pero dahil kay Zeke ay nagagawa kong suwayin ang utos ni mama.
Hindi madalas nakalabas si Zeke sa Hacienda lalo na kapag nariyan ang mama niya. Sa loob ng Hacienda lang ito palaging namamalagi at kailanman ay hindi pinayagang makalabas hanggang sa matapos ang trabaho nito sa loob.
"Isumbong mo kung gusto mo. Basta ako, di pa ako uuwi. Mauna ka na lang. Hindi na lang kita kakaibiganin," tinalikuran ako ni Zeke dahilan para habulin ko siya't pigilan.
"Sige na nga. Pero huwag tayo aakyat sa mataas, ah?" ngumiti ako kay Zeke dahilan upang manumbalik na naman ang sigla sa kanyang mukha.
Ganito palagi si Zeke lalo na kapag may bagay siyang gustong gawin. Hinding-hindi mo siya mapipigilan.
Pero alam ko namang takot ito sa mama niya. Siguro nasabi lang niya iyon para magmukha siyang matapang pero kapag siya kaharap sa mama niya ay nakatago ang buntot nito.
Akmang susunod na sana ako kay Zeke para umakyat nang mapahinto ako. Tiningnan ko siyang ngayon ay nakapatong na sa isang malaking sanga ng punong mangga.
"Zeke, hindi ko kaya umakyat," sigaw ko pero huli na nang sinubukan kong bumaba. Hinawakan niya ang kamay ko't inalalayan akong makaakyat sa puno.
"Ang lampa mo naman. Mababa lang naman itong puno, ah!"
Limang toan na kami ni Zeke at noong nakaraang buwan lang kami nagkakilala. Nagtratrabaho si nanay bilang katulong nina Zeke kaya nang dalhin ako ni Nanay rito sa hacienda, masaya ako't naaliw na kasama si Zeke- ang batang kaibigan kong palagi kong nakakalaro sa tuwing wala akong pasok.
Masayang kasama si Zeke. Iyon nga lang, minsan nahihiya akong kausapin siya. Lalo na't sobrang yaman niya. Minsan naiinggit nga ako pagmasdan siya e. Meron siya lahat na mga laruan na alam kong hindi ko kayang bilhin.
"Sa'yo na lang to, Jazz. Wala ka bang laruan sa inyo?" abot ni Lucas laruang robot na hawak ko kanina.
Siguro nakita niyang sobra ko iyong nagustuhan kaya naisipan niyang ibigay sa akin.
"Huwag. Sa'yo yan. Papagalitan ako ni nanay kapag nagdadala ako ng laruang hindi naman sa'kin, " hindi ko tinaggap ang laruang gustong ibigay sa'kin ni Zeke.
Sapat na sa akin na makalaro ko siya sa Hacienda. Wala akong planong humingi ni isa sa mga laruan niya.
"Edi h'wag mo sabihin sa nanay mo. Secret lang natin 'to," nangungulit pa sa'kin si Zeke. Pinilit na ilagay sa bulsa ko ang laruang robot pero hindi ko siya pinayagang gawin 'yon.
"Huwag na nga! Saka hindi naman robot ang gusto kong laruan," tugon ko. Sinubukang gumawa ng rason para tanggihan ang alok niya.
"Ano gusto mo? Manika? Sayang wala ako niyan. Pang girls lang 'yan e!" ibinalik ni Zeke ang laruang robot na hawak niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"H'wag! Hindi na kita kaibigan kapag ginawa mo 'yon. Sige ka!"
Masaya akong kasama si Zeke. Bukod sa masaya siyang kasama ay komportable rin akong kalaro siya.
Hindi tulad ng mga kabataan sa amin, palagi nila akong tinataboy ay hinihindiang maging kalaro. Wala raw kasi akong laruan.
Pero dito sa mansyon nina Zeke, welcome ako. Mabait si Zeke sa'kin at wala siyang pakealam kung ano man ang antas ng pamumuhay ko. Basta masaya lang kaming naglalaro. Pinayagan pa nga niya akong laruin ang mga laruan niya na kay Zeke ko lang nakikita.
Limang taong gulang pa ako pero alam ko na kung gaano nagpakahirap si Mama para ibigay sa amin ang lahat.
Tatlo kaming magkakapatid. Tatlong taong gulang ako nang sumakabilang buhay si papa kaya si mama na lang ang mag-isang nagtatagayod sa amin ngayon.