Azequil’s POV KInabukasan, maaga akong nagising. Walang ibang nasa isipan ko kung hindi si Jazmine lang. Linggo at alam kong ito na ang huling araw na masaya ko siyang makakasama. Bukas na bukas at magbabago na rin ang lahat. Lahat lahat sa amin ni Jazmine at ang buhay ko. Hindi ko lang alam kung makakaya ko bang pakitunguhan si Nadia lalo pa at tuwing makikita kami ni Jazmine sa paaralan na sigurado akong labis itong masasaktan sa makikita nito. “Gising na po ba si Jazz, tita?” tanong ko sa nanay ni Jazmine nang makarating ako sa tapat ng bahay nito. “Hmmm, oo hijo. Kanina pa ‘yon at kakatapos lang yatang maligo. Uhmmm,” napatingin sa kamay ko si tita. Tanaw nito ang hawak kong mga libro at iba pang gagamitin namin sa pag-aaral. “May lakad pala kayo?” ngiting tanong sa akin