Azequil’s POV Maaga akong nagtungo sa bahay ni Jazmine para sunduin ito patungo sa paaralan. Kailangan kong sulitin ang pagkakataong ito na makasama ko sya sa paaral. Ito ang huling beses na pumasok ako sa campus. Isang buwan rin akong mawawala kaya kailangan kong maging memorable ang huling araw ko gayong mahabang panahon rin akong mawawala sa tabi ni Zeke sa paaralan. Isang buwan akong hindi papasok. Hindi man karapat-dapat sa akin pero kailangan kong tanggapin para na rin sa ikakabuti ng lahat. Hindi nararapat sa akin ang parusang ito. Hindi ko kailanman ginawa iyon kay Nadia. “Ang aga-aga mo hata hijo?” bungad sa akin ng nanay ni Jazmine. Ngumiti ako sa harapan nito. “Uhmmm, yes po. May gagawin lang kami ni Jazmine sa paaralan kaya kailangan naming pumunta doon nang m