CHAPTER 47 Myra's P. O. V Halos ma-ihi ako sa kaba. Nangangatog ang buong katawan ko. Rinig na rinig ko ang bilis at lakas ng t***k ng puso ko. Narinig ko na ang pagtugtog ng isang kanta. Hudyat nito ang pagbukas ng pinto ng simbahan. Wise men say Only fools rush in Ngumiti ako sa Photographer na nasa harapan ko. Nang umalis na siya ay nagsimula na akong maglakad papunta kay Mama. "Ganda ng anak ko," aniya. Pinalupot ko ang kamay ko sa braso niya. Naglakad na kami. But I can't help falling in love with you Shall I stay? Nakatitig lang ako kay John na ngayon ay abot langit ang ngiti niya na malapit sa altar. Gusto kong maiyak. Sobrang saya ng puso ko although kabado ako dahil madaming tao ngayon. Would it be a sin If I can't help falling in love with you? Nang tuluyan na kaming