CHAPTER 46 Myra's P. O. V Sabay kaming pumasok ni John dahilan para makarinig kami ng pang-aasar ng mga estudyante at guro na katrabaho namin. "I-ikakasal na kayo?" nauutal na tanong ni Ma’am Jillean. Dahan-dahan akong tumango at ngumiti. "May dyamante!" masiglang sabi ni Ma’am Kiesha at kinuha ang kamay ko sabay usisa sa sing sing. Nakita ko namang umirap si Ma’am Jillean, hindi ko siya masisisi. Ganoon din naman ako dati kapag nalaman kong may kasintahan na ang crush ko. Hanggang tingin na lang sila ngayon kay John. "Iba ka talaga, sir!" pang-aasar ni Ma’am Neriyuwie. Nagtawanan naman kami. Nang mag-bell na ay pumunta na kami sa kanya-kanya naming classroom. Papaakyat na kami sa hagdan. "John!" tawag ko sa future asawa ko at tinaas ang kamay ko. "Ha?" aniya. Napairap naman ako