CHAPTER 32 Myra's P. O. V Pinunasan ko ang luha ko, bumalik na ako sa Principal's Office. "Nhel…" malungkot kong sabi. "M-Myra... Umiiyak ka ba? Bakit may masakit ba sa ‘yo?" tanong niya sa akin at tumayo para lapitan ako. Umiling lang ako, kung pwede ko lang sabihin na masakit ang puso ko. Sobrang sakit. "Naku, Mr. Nhel ganiyan talaga ang mga buntis. Ang asawa ko noon walang ginawa kundi paiyakin ang sarili niya," natatawang sabi ng Director ng school. "Gano’n po ba? Myra, talaga bang wala lang?" tanong ni Nhel. "O-oo, gusto ko sana kumain. Nagugutom na ako," sabi ko. Gusto ko lang makaalis rito. "Teacher Myra, kakayanin mo bang magturo. Buntis ka tandaan mo," sabi ni Sir. Napabuntong hininga ako at tumayo ng matuwid. "Kayang-kaya