CHAPTER 31 Myra's P. O. V Medyo masama ang pakiramdam ko ngayong araw, napairap ako dahil sa kainisan. Kailangan ko pa rin pumunta sa skwelahan. Tatayo na sana ako pero saktong bumukas ang pinto at niluwa nito si Nhel, masigla ang awra niyang nakangiti sa akin. "Nhel," tawag ko at dahan-dahang tumayo mula sa pagkakahiga ko. "Dahan-dahan," sabi nito sabay alalay sa akin. "Salamat, ang hirap na. Laki na ng pakwan ko," natatawa kong sabi. "Gano’n talaga, pero kaya mo naman ‘yan. Ikaw pa ba?" nakangiti niyang sabi. Napuno ng galak ang puso ko, matagal ko siyang hindi nakita. Aaminin kong ganito ang pangarap ko para sa amin. Yung aalalayan niya ako kapag buntis na ako at palagi siyang nasa tabi ko. Ang kaso, hindi naman siya ang ama ng dinadala ko. "Tara n