CHAPTER 26 Myra's P. O. V Hawak-hawak ko ang tiyan ko habang naghihintay sa sagot ni Mama. "Sige, pumapayag na ako," sabi ni Mama kaya agad ko siyang niyakap. "Maraming salamat po!" masayang sambit ni John. "Sa isang kundisyon," dagdag pa ni Mama kaya agad kaming napatigil. "Ano, Ma?" tanong ko. "Kailangan kong makita na mahal mo talaga ang anak ko," sabi ni Mama at ngumiti naman ako. "Mahal niya talaga ako Mama, ramdam ko ‘yon." Bigla namang tumunog ang cellphone ni John kaya agad siyang nag-excuse at lumabas ng bahay. "Alam mong magagalit ako kaya ka umalis, pero sana sinabi mo na lang ang totoo," sabi ni Mama. Napabuntong hininga naman ako at hinawakan ang kamay nito. "Ma, alam mong duwag ako," sabi ko. "Kamusta ka ba? Yung apo