CHAPTER 27 Myra's P. O. V Kakatapos ko lang magbihis, nagsusuklay ako ng buhok ko, biglang sumagi sa isip ko si Nhel. He used to brush my hair for me. Ayos lang nandito naman si John para gawin iyon. "Mama? Saan kayo galing?" tanong ko kay Mama nang pumasok ito sa bahay habang may bitbit na plastik. "Bumili ako ng bigas! Aba'y wala na pala kayong stock riyan! Ere at may frozen foods pa akong binili!" sabi ni Mama habang nag-aayos ng binili niya. "Mama! Baka mapaano pa kayo eh!" sabi ko. "Anak! Malakas na ako. Nandito ka naman at magkaka-apo na ako kaya kailangan talagang lumakas ako para mabuhat ko ang batang ‘yan," nakangiting sabi ni Mama sa akin. "Mama talaga!" Niyakap ko siya at hinawakan naman ni Mama ang tiyan kong nakaumbok. "Lumaki na ang mukha