Kabanata 63 Isang matamis na ngiti ang sumilay sa aking labi pagkapasok na pagkapasok ko sa kotse. Hapon na kasi at kailangan na naming umuwi ni Caden dahil gagabihin na kami sa daan. Mahigpit pa namang habilin ni Mang Bert na umuwi kami nang maaga. “It could have been nice if we were able to see the sunset,” sambit ni Caden na kakapasok lang sa sasakyan. Bakas ang pagkadismaya sa mukha niya dahil kanina pa niya sinasabi sa akin na gusto niyang panoorin namin ang paglubog ng araw, pero sa kasamaang palad ay nabalot ng kulay abong mga ulap ang kalangitan. “Wala po tayong magagawa roon, senyorito. Kalikasan na ang kalaban natin,” sagot ko sa kanya bago ako sumilip sa labas ng bintana. Wala na talagang pag-asang luminaw ang langit. Mas lalo lang itong nagdilim. “Caden,” madiing pagtatama