Kabanata 62 “Hey, you okay?” tanong sa akin ni Caden. Pilit niyang sinilip ang mga mata ko. Bakas sa ekspresyon niya ang pag-aalala. “Kanina ko pa napapansin na parang wala ka sa sarili mo. You’ve been spacing out quite often,” dagdag niya. “Is there something wrong?” Hindi ako agad nakasagot sa kanya. Nasa loob na kasi kami ng sasakyan at maririnig ni Mang Bert ang usapan namin, kaya tumango lang ako kay Caden at pilit na ngumiti. “Opo, senyorito.” “Are you sure? If you’re not feeling well, then we can just cancel our plans for today,” sabi niya na mariin kong inilingan. “Hindi. Ayos lang po ako, promise,” paninigurado ko sa kanya. “Tuloy po tayo.” Ayoko kasing bumalik muna sa bahay dahil hindi ko pa kayang harapin si Hayden. Kanina, habang naghahanda kami ni Caden na umalis ay sinub