Kabanata 61 Linggo. Maaga akong gumising para makapaghanda ng umagahan ng kambal at para na rin maghanda sa pag-alis namin ni Caden mamaya. Kasalukuyan akong naghahain ng mga pagkain nang lumabas si Hayden sa kwarto niya. “Good morning, senyorito,” nakangiting bati ko sa kanya pero tanging malamig na titig lang ang iginanti niya sa akin. Nilagpasan niya lang ako at dumiretso siya sa banyo na para bang hindi niya ako nakita. Magugulat sana ako kung ngayon niya lang ito ginawa, pero hindi. Matapos kong sabihin sa kanya na lalabas kami ni Caden ngayon ay gano’n na ang turing niya sa akin. Kung hindi malamig na titig ay walang emosyong sagot ang nakukuha ko sa kanya. Nang tanungin ko naman siya kung may problema ba ay hindi siya sumasagot. “Lalaine…” Sunod na lumabas si Caden. Tipid siyan