Kabanata 30 "Laleng, hanggang kailan mo ba ako hindi papansinin?" Napabuga ako ng hangin nang kulitin na naman ako ni Hayden pagkalabas na pagkalabas niya ng kwarto niya. Umagang-umaga pa pero heto siya at pinapainit na naman ang ulo ko. Ilang araw na niya akong pilit na kinakausap tungkol sa nangyari sa amin pero hindi ko ito binibigyang pansin dahil ayaw kong pag-usapan. Hindi ako komportable. "I've been trying to talk to you but you're obviously keeping your distance away from me." "Senyorito, pwede po bang mamaya na 'yan dahil ang dami ko pa pong kailangang gawin," saway ko sa kanya nang hindi siya nililingon. "Magluluto pa ako ng umagahan ninyo at ihahanda ko pa ang lulutuin ko mamaya sa pananghalian ninyo," dagdag ko sa kanya. Balik na kasi sa normal ang takbo ng buhay namin dahil