Kabanata 59 Hindi na naalis ang ngiti sa mga labi ni Hayden hanggang sa makauwi kami. Humihimig pa siya habang papasok kami ng bahay. Maya-maya pa ay tumigil siya sabay tingin sa akin. “Thank you for making this day special, Laleng,” sambit niya sa akin nang nasa may pinto na kami. “I had so much fun, and it’s all because I was with you,” dagdag niya bago matamis na ngumiti. “Salamat din po, senyorito,” tugon ko sa kanya at tipid na ngumiti dahil hindi pa rin nawawala ang pagkailang na naramdaman ko dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin. “Pumasok na po tayo dahil malamig na,” pag-iiba ko ng usapan. Tumango lang siya bago pinihit ang doorknob at pagkapasok namin ay nadatnan namin si Caden na nakaupo lang sa sofa habang may isang bote ng red wine na kaharap. “Drinking alone, Caden?” t