Kabanata 16 Nakatulala lang ako habang nakaharap sa labas ng bahay. Nakaupo ako ngayon sa pintuan at yakap-yakap ang aking mga tuhod. Tapos nang maligo si Hayden at nakapagbihis na rin siya. Magaan na raw ang pakiramdam niya at preskong-presko, pero heto ako ngayon, tila binabangungot nang gising. Hindi maalis-alis sa aking isipan ang nahawakan at nakita kong laman. Malaki. Mataba. Halimaw! Ang mga mata ko! Napapikit ako nang umihip ang preskong hangin. Doon ko naramdaman ang kakaibang pagod sa aking sistema na para bang naubos ang lahat ng lakas na reserba ko. Parang gusto ko na lang matulog nang buong araw pero ‘di rin naman pwedeng ‘yon lang ang gawin ko dahil paniguradong sermon ang aabutin ko kay Caden kapag nakauwi ‘yon. Kailangan ko pang tapusin ang paglilinis sa buong bahay at