Kabanata 22 Tuluyan nang kumagat ang dilim. Tanging iilang ilaw na lang ang natatanaw ko habang bumabiyahe kami pabalik sa mansyon ng mga Consunji. Doon na kami magpapalipas ng gabi dahil naghanda ng kaonting salo-salo si Manang Helen para i-welcome ang pag-uwi ni Hayden. Hindi ko nga mapigilang mapaisip kung bakit kailangang may handaan pa para doon. Siguro gano’n talaga kapag mayayaman, kahit na anong okasyon ay sini-celebrate. Mula sa salamin ng sasakyan ay sinilip ko ang dalawa. Tulog na tulog na si Hayden habang si Caden naman ay nakadungaw lang sa labas ng sasakyan habang dinadama ang hampas ng malamig na hangin sa kanyang mukha. Ilang segundo akong napatitig sa kanya. Hindi man maganda ang naging pakikitungo niya sa akin ay hindi ko pa rin maikakailang labis akong natuwa sa ginaw