Kabanata 21

2146 Words

Kabanata 21 Tatlong araw na ang lumilipas at pansin ko nang nasasanay na si Caden sa trabaho. Bihira ko na lang siyang marinig na magreklamo sa pagbubuhat ng mga basket na puno ng mga bunga ng kape. Hindi na rin siya nagrereklamo na sinasabayan ko siyang kumain, pero hindi pa rin talaga niya gustong sumabay ng kain sa mga trabahador. “Senyorito, gusto mo ulit ng sinabawang gulay?” tanong ko sa kanya nang lapitan ko para ibigay ang pagkain niya. “No,” tipid niyang sagot. Kung may hindi man nagbago sa kanya, ‘yon ay ang pagiging cold at masungit niya. Mas sumungit pa nga siya sa akin at parang palaging galit. Hindi naman gano’n ang ugali niya sa iba, lalo na kay Mang Ernesto. Sa akin lang talaga siya gano’n. Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip kung may nagawa akong kasalanan sa kanya. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD