Kabanata 52

1429 Words

Kabanata 52 Sa pag-ihip ng malamig na hangin ay mas nadama ko ang init na tila nilalamon ang kaloob-looban ko. Kakaiba ang dulot nito sa akin dahil pakiramdam ko’y naging mas sensitibo ang pakiramdam ko, lalo na sa init na nararamdaman ko mula sa katawan ni Caden. “So, can you listen to me now?” bulong niya sa akin. Tumama ang mainit niyang hininga sa likod ng tainga ko at kusa na lang nanigas ang katawan ko kasabay ng paglalim ng aking paghinga. Napalunok ako ng laway nang may kung anong bumara sa lalamunan ko, dahilan para hindi ako agad makasagot sa kanya. “P-Pwede po bang ipagpabukas na lang natin?” tanong ko at bahagyang napangiwi nang maramdaman ko ang pagpitik sa ulo ko. “Naghahanap ka lang ng dahilan para iwasan mo ako ulit,” matigas niyang sabi bago ko naramdaman ang paghigp

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD