Kabanata 50 “Leng, may problema ka ba?” Napatingin ako kay Aleng Lisa nang bigla siyang magsalita. Nasa bahay nila kami ngayon at naghahanda ng munting salo-salo. Kasama namin ang iba pang kababaihan at tulong-tulong kami sa paghihimay ng mga rekados na gagamitin namin mamaya. Ngayon kasi ang huling araw ng kambal dito sa taniman, at sa susunod na linggo ay sa factory naman sila magtatrabaho. “Po?” Tumingin ako sa kanya na bahagyang nakataas ang dalawang kilay. “Bakit n’yo naman po nasabi?” tanong ko at pilit na ngumiti sa kanya. “Dahil pansin ko ang madalas na pananahimik mo,” aniya bago ako tiningnan sa aking mukha. “Pansin ko rin na medyo lumalim at umitim ang palibot ng mga mata mo. Nakakatulog ka ba nang maayos?” “A-Ah…” Alanganin akong ngumiti sa kanya. “Inaalala ko lang po ang