Kabanata 45 Caden’s Point of View I cursed as soon as Lalaine walked out. Naikuyom ko ang kamay ko habang pinagmamasdan siyang lumayo sa akin. Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil hindi ko na rin maintindihan kung bakit ako nagkakaganito. Kanina pa ako iritado. Kanina pa ako naiinis lalo na sa tuwing may lumalapit sa kanya na ibang lalaki, especially that Anton. I can tell that he’s into her. Alam kong pinopormahan niya si Lalaine and that really irked me. Mas naiinis pa ako dahil walang kamalay-malay si Lalaine sa intensyon ng lalaking ‘yon. Fúck it! Susunod na sana ako sa kanila nang daanan ako ni Hayden habang sakay ng kabayo niya. He then stopped a meter away from me. “I’ll be taking Laleng with me, brother,” aniya bago ako tuluyang nilagpasan. ‘No. You won’t.’ Gusto ko sanang