Kabanata 44 Papunta na kami sa kuwadra ng mga kabayo dahil dumating na si Anton. Akala ko ay magkasing-edad lang sila nila Mang Ernesto, pero nagulat ako nang makitang bata pa pala ito. Tingin ko’y matanda lang ito sa akin nang ilang taon. Moreno at may katangkaran ito. Nakasuot ito ng bota, maong na pantalon, at lumang checkered na polo—literal na mukhang cowboy ang lalaki, lalo na sa suot niyang sumbrero. “I thought he’s as old as Ernesto,” bulong sa akin ni Hayden. Nasa tabi ko kasi siya kasi nga ay magpapatulong daw siyang mamili ng kabayo. Kanina ay sinubukan na naman niyang hawakan ang kamay ko pero naghanap ako ng rason para iiwas ang kamay ko, lalo na’t nasa harapan lang namin sina Mang Ernesto habang nasa likod naman si Caden na kanina pa hindi nagsasalit at mukhang umiiwas sa