Kabanata 43

1634 Words

Kabanata 43 Hindi na nasundan ang pag-uusap namin ni Caden. Pinili kong manahimik na lang lalo na’t hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ng katawan ko sa mga sinabi niya. “Finally, we’re here!” Napatingin ako sa unahan nang marinig ko ang malakas na boses Hayden. Mabilis siyang tumalon mula sa likod ng kabayo at lumapit sa akin. “Laleng, time’s up na si Caden. Ako naman ang samahan mo,” aniya sabay lahad ng kamay niya. At dahil naiilang na ako kay Caden ay hindi na ako nagdalawang-isip pa na abutin ang kamay ni Hayden. Pagkahawak ko ng kamay niya ay inalalayan niya akong makababa. Akala ko ay bibitawan na niya ang kamay ko pero hindi niya ginawa. Nakangisi siyang humarap sa kambal, “This time, Laleng is mine,” aniya at bumaling sa akin. “Let’s look around?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD