Kabanata 33 Kumurap ako nang ilang beses para masigurong hindi ako namamalikmata. Kinusot ko pa ang mga mata ko pero para makasigurado. "B-Bakit po kayo nandito?" naibulalas ko na lang habang palipat-lipat ang tingin sa kambal. Wala kasi akong makitang rason para sundan nila ako rito sa ospital. Tumayo ako at inayos ang sarili ko, lalo na ang damit at hitsura ko dahil alam kong napakagulo kong tingnan ngayon. "May nakalimutan po ba ako?" Umiling lang sa akin si Manang Helen bago matamis na ngumiti. "Maiwan ko muna kayo rito," aniya bago niya marahang itinulak ang kambal na hindi pa nagsasalita mula nang makarating sila. "Ikaw na ang bahala sa kanila, Lalaine," dagdag niya bago tuluyang lumabas. "P-Po? Sandali!" Balak ko pa sana siyang pigilan pero naisara na niya ang pinto kaya wala na