Kabanata 32 Tila nabingi ako sa narinig ko. Ramdam ko ang pag-init ng aking batok kasunod ng unti-unting paglakas ng kabog ng aking dibdib. “P-Po?” Lumapit sa akin si Manang Helen at hinawakan ang kamay ko. “Kung gusto mong puntahan ang nanay mo ngayon, pwede kitang ipahatid kay Bert.” “A-Ano pong nangyari kay mama?” Naikuyom ko nang mahigpit ang kamay ko. Wala akong ibang naiisip kundi ang nanay ko at ang kalagayan niya. “M-May sinabi po ba si Tiya Sabel?” Dama ko na ang pag-init ng magkabilang sulok ng aking mga mata; ang sensasyong tila may bumabara sa aking lalamunan, dahilan para hindi ako makahinga nang maayos. “Hindi nasabi sa akin ni Sabel ang dahilan, Lalaine. Kaya mas mainam na puntahan mo na lang ang nanay mo,” suhestiyon niya bago nilingon si Mang Bert. “Ihatid mo si Lalain