Kabanata 54

1879 Words

Kabanata 54 Kabanata 54 “Humawak ka nang mabuti,” sabi sa akin ni Hayden nang makaupo ako sa likuran niya. Sa kanya ko napagdesisyunang sumakay dahil kanina pa siya pabalik-balik sa pagkumbinsi sa akin na siya ang piliin ko kahit wala namang pagpipiliang naganap. Nasa unahan namin si Mang Ernesto at nasa likod naman namin si Caden. “Saan ka ba nakahawak?” tanong niya sa akin sabay kuha ng kamay ko at inilingkis sa baywang niya. “Hug me,” utos niya. “Mahuhulog ka kapag sa jacket ka lang nakahawak,” dagdag pa niya bago inayos ang posisyon ng mga braso ko. “Huwag kang mag-alala at ‘di ko lalagyan ng malisya ‘to,” aniya sabay lingon sa akin. Nang magkatinginan kami ay ngumisi siya. “Pero pwede ring lagyan.” “Senyorito…” may pagsaway na sabi ko sa kanya. “Umagang-umaga po at ‘yan na naman k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD