Kabanata 47 Tulala ako habang nagsasampay ng mga bagong banlaw na damit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Caden kanina sa rancho. Pumatak na lang ang gabi ay hindi pa rin ako nakakalimot sa mga sinabi niya. Hindi ko kasi siya maintindihan. Kahit saang anggulo kong tingnan ay hindi ko makita ang maling ginawa ko para maging gano’n ang reaksyon niya sa akin kanina. Pagkatapos kong magsampay ay bumalik na ako sa loob para sana maghugas ng plato pero nagulat ako nang makita ko si Caden sa lababo at siyang naghuhugas ng mga ito. Saglit kaming nagkatitigan pero ako na ang naunang umiwas ng tingin at akmang lalagpasan na sana siya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko, “H-Help me here,” mahinang sabi niya. “Ako na lang po ang gagawa niyan,” k