Kabanata 48 ‘I like you, Lalaine.’ Hindi na nawala sa isipan ko ang mga salitang sinabi sa akin ni Caden. Dalawang araw na ang lumipas mula nang sabihin niya sa akin ‘yon, pero pakiramdam ko’y parang kanina niya lang sinabi. At mula nang sabihin niya ‘yon sa akin ay nagbago na ang pagtingin ko sa kanya. Sa tuwing nagkakalapit kami ay tanging pagkailang na lang ang nararamdaman ko. At sa loob ng dalawang araw na ‘yon ay wala akong ibang ginawa kundi ang iwasan siya at iwasang makasama siya nang kami lang dalawa. Kinakausap ko lang siya kung kailangan, lalo na kung kasama namin si Hayden. “Are you done?” tanong sa akin ni Hayden nang makalabas siya ng kwarto niya. Nakasuot siya ng plain na itim na damit na ipinares niya sa maong na pantalon at puting sapatos. “Opo, senyorito,” tugon ko