Kabanata 14 “S-Seryoso po ba kayo, senyorito?” Hindi ko mapigilang mautal dahil nagimbal talaga ang kaluluwa ko sa sinabi niya. Nakakapanindig balahibo. “Who else can I ask to help me?” inis niyang tugon at muling napangiwi dahil sa kirot ng braso at paa niya. “May iba pa bang tao rito?” “S-Si Senyorito Caden po,” tugon ko sa kanya. Nangunot ang noo niya sa isinagot ko. “Nandito ba siya?” “Mamaya po pagdating niya,” tugon ko at halos mag-isang linya ang makakapal niyang kilay. “Are you being serious right now? My body is itching. Gusto mo bang magka-rashes ako?” inis niyang tugon at napabuga na lang ng hangin. “Look, you’ll just gonna help me take a bath. That’s it! Ano bang pinoproblema mo?” “Lalaki po kayo, senyorito,” tugon ko sa kanya bago ako nag-iwas ng tingin dahil dama ko a