Problemado akong napahilamos sa mukha ko habang tinitignan ang mga pagkaing nakahain sa mesa. Nakatulog lang ako sandali sa kwarto ay ganito na agad ang tumambad sa akin. Binalingan ko ng tingin si Aivan na nakayuko habang pinagdidikit niya ang dalawa niyang kamay na tila ba nahihiya pa sa akin. "Tingnan mo ang ginawa mo sa fried chicken mo." Sabi ko sa kanya sabay turo sa fried chicken na nakahain sa mesa. Tinignan naman ni Aivan iyon at pagkatapos ay napakamot sa ulo, "Bakit? Ayos naman, ah?" Napahinga ako ng malalim. Ewan ko ba dito kay Aivan kung ano na naman ang mga kalokohang iniisip. Hindi na pinuntahan ni Aivan si Stacey dahil ang sabi sa amin ni Papa ay layuan na niya muna ang babae, at isa pa. Kailangan din naming mag-ingat lalo na't mayroon akong dinadala. Malakas din ang