Kinakabahan kong tinignan si Aivan. Hindi naman ako kinakabahan dahil kay Stacey, kinakabahan ako sa kung ano ang maaaring isagot ni Aivan sa tanong ni Stacey. Tumingin din sa akin si Aivan ng seryoso. Hindi ko alam kung ano ba ang nasa isip niya. Halos mamilog ang mata ko nang mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at saka naman siya nagsalita. "Nagmamahalan kami ni Avygail." Seryosong saad ni Aivan na ikinanganga naman ni Stacey. "What?!" Pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung ano.ba itong nararamdaman ko. May halong tuwa at may halo ring takot dahil hindi ko alam kung ano ba ang kahihinatnan ng lahat ng ito. Basta ngayon, alam ko at sigurado ako na kaya na akong ipaglaban ni Aivan. "Mahal na mahal ko si Avygail. Kahit kailan, hindi siya mapapalitan ng kahit n