"Twinkle twinkle little star.. Si baby ay love ni Papa.." Kanta ni Aivan habang nilalaro-laro ang tiyan ko na hindi pa naman halata ang pagka-umbok. "Aivan... Pwede bang itahimik mo muna iyang bibig mo? Kanina pa kasi ako inaantok. Di ako makatulog sa ingay mo." Sabi ko sa kanya. Almost 12 midnight na rin ng gabi at sa tingin ay wala pa siyang balak na matulog. Dito nagpasyang matulog si Aivan dahil nakapagpaalam naman siya kay Stacey at ang idinahilan ni Aivan ay makiki-birthday lang siya sa kaibigan niya. Kanina ko lang din nalaman na kaya pala ilang araw na hindi umuuwi sa bahay nila Daddy si Aivan ay dahil nagsasama na sila ni Stacey. Ang kwento naman sa akin ni Aivan ay ayaw niya namang sumama sa babae kung hindi lang siya tinakot ng Papa ni Stacey. "Bahay kubo... Kahit munti...